
Sabado. Bukod sa pagiging araw ng pagtatapon ng basura (isang makasaysayang event -utot), araw din ito ng pagtangkilik ng pelikulang pilipino. Dahil sawa na kami sa pag-aaway ng mga istasyon kung sinong number one sa ratings eh aarkila na lang kami ng plaka sa talipapa. Sosyal! Tanghaling tapat bumaba kami ng palengke para pumunta sa isang bagong tayong arkilahan ng mga "piratang" CD. Opo, ganyan na sila kaunlad. May sarili na silang rentals. Pumasok kami. Nakakita kami ng isang malaking insigna ng Tau Gamma Phi sa dingding. "Abah," sabi ko "sponsored pala ito." Pagkakita ko sa nagbabantay sa counter eh mas lalo akong naniwalang Tau Gamma nga ang may-ari. Nagkatitigan kami ng ate ko. Last time na nakakita kami ng lalakeng ganito kalaki eh nag-aaudition para sa UFC. Parang anu mang oras eh mangangagat tong taong ito. Maliban sa malaking katawang tadtad ng muscle at tatoo, magkasing-taas lang naman kami -- pero nakaupo pa siya nun. "Aarkila po kami." "Member na ba kayo?", yung boses nya parang kay Daniel Razon. Ano? Papasalihin pa ba nya kami sa frat bago kami maka-arkila, pirata naman to ah? "Meron na ba kayong records dito?" "Wala pa po yata" "Sige, pahingi na lang ng I.D." Ibinigay ko ang I.D. ko. Tinitigan nya. Para bang tinatantya kung saan ako mas maganda lagyan ng blackeye, sa kaliwa ba o sa kanan. Isusuggest ko sana na sa kaliwa, para matakpan yung pimples ko. "Ito ba ang address nyo?" Wala naman kaming balak nakawin ang CD na hihiramin namin pero sinagot na lang namin ang mga tanong. Kumuha sya ng index card at inilista ang pangalan ko at presto member na ako. "Sige, pumili na kayo." "Wala po bang initiation?" hinatak na ko ng ate ko. Andami din namang mga pelikula doon. Ingles, tagalog, tag-lish, korean pati silent. May movies na parang di pa pinapalabas sa sinehan gaya ng Be Kind Rewind at merong hindi talaga ipapalabas sa sinehan gaya ng You Suck Mama Jones (na may sequel nang You Suck Mama Jones Again). Sa section kami ng tagalog movies pumunta. Kung meron lang siguro kaming Cinema One, malamang di na namin kelangang pumunta dito, pero wala kaya tyaga kami. Pinili namin ang pinaka-stand out sa lahat ng nandoon sa shelf na yon: Forbidden Kingdom. Huh?
-- Opo, pelikulang pilipino yan. I think na-naturalized si Jet Li recently lang, mga 3 a.m.
Minsan lang kasi yata magtatambal itong si Jacky Chan at Jet Li sa isang pelikula...maliban na lang kung gagawa sila ng asian version ng brokeback mountain na tatawaging brokeback greatwall. Sa pag-arkila din namin ng Rush Hour 3 (opo, ganyan kami ka-updated sa movie industry) di naman halatang avid fan din kami ni Jacky Chan. Matapos ang umaatikabong aksyong hatid ng Rush Hour ay umaatikabong boredom naman ang dinulot sa amin ng Forbidden Kingdom.
Ate: Nagsisisi ka na ba sa pinili mo?
Chilli: I want my ten pesos back.
Sinubukan naming patayin ang player pero tinatamad kami. Parang hinigop na ng palabas ang lakas namin. Wala kaming nagawa kundi magtyagang panoorin ang pelikulang parang reincarnation ng Karate Kid. Maganda naman ang mga fight scenes -- dahil sa part lang na yon ako gising. Nakakaaliw mag-away tong si Jacky at Jet na gumagamit pa ng iba-ibang techniques. Sana ako rin marunong sumipa ng malakas -- para sipain ko yung off button mula sa pagkakahiga ko. Naaliw naman ako sa ibang part, gaya nung meron na silang kasamang babae na si Sparrow na isang chikababes na kamukha rin ni...DIVERSION!!! Hanggang sa matapos ang pelikula wala man lang halikang nangyari sa pagitan ni Sparrow at nung Seeker. Ampft. Malamang inedit out kasi lame. lols. Isa pang naasar ako eh dahil walang subtitle na matino.

Walang ibubungang maganda ang pirata. Alam ko marami ang magagalit sa ganung statement pero based on experience, mas natuwa pa sana ako kung meron na lang tumayu-tayo at dumaan-daan sa screen sa buong haba ng palabas -- gaya sa ibang piratang CD. Pero kung consolation man lamang na matatawag nalaman namin kung bakit sa lahat ng palabas ni Jet Li eh hindi sya tumatawa man lang. Napakaseryoso. Masyado nang madalas. Kahit naman siguro si Arnold Swatz...Schwarche...Schargen... Si Sylvester Stallone eh tumatawa sa eksena paminsan-minsan. Pero si Jet Li hinde, punahin na nyo. (di po ako nag "bad word" doon). Yun na lang siguro ang matuturing kong sulit, ang malaman ang rason kung bakit di sya tumatawa. Sagwa. -- uuiii...bababa na rin sya sa talipapa. hehehe.
May Karugtong...