Huwebes, Mayo 29, 2008

Forbiddden


Sabado. Bukod sa pagiging araw ng pagtatapon ng basura (isang makasaysayang event -utot), araw din ito ng pagtangkilik ng pelikulang pilipino. Dahil sawa na kami sa pag-aaway ng mga istasyon kung sinong number one sa ratings eh aarkila na lang kami ng plaka sa talipapa. Sosyal! Tanghaling tapat bumaba kami ng palengke para pumunta sa isang bagong tayong arkilahan ng mga "piratang" CD. Opo, ganyan na sila kaunlad. May sarili na silang rentals. Pumasok kami. Nakakita kami ng isang malaking insigna ng Tau Gamma Phi sa dingding. "Abah," sabi ko "sponsored pala ito." Pagkakita ko sa nagbabantay sa counter eh mas lalo akong naniwalang Tau Gamma nga ang may-ari. Nagkatitigan kami ng ate ko. Last time na nakakita kami ng lalakeng ganito kalaki eh nag-aaudition para sa UFC. Parang anu mang oras eh mangangagat tong taong ito. Maliban sa malaking katawang tadtad ng muscle at tatoo, magkasing-taas lang naman kami -- pero nakaupo pa siya nun. "Aarkila po kami." "Member na ba kayo?", yung boses nya parang kay Daniel Razon. Ano? Papasalihin pa ba nya kami sa frat bago kami maka-arkila, pirata naman to ah? "Meron na ba kayong records dito?" "Wala pa po yata" "Sige, pahingi na lang ng I.D." Ibinigay ko ang I.D. ko. Tinitigan nya. Para bang tinatantya kung saan ako mas maganda lagyan ng blackeye, sa kaliwa ba o sa kanan. Isusuggest ko sana na sa kaliwa, para matakpan yung pimples ko. "Ito ba ang address nyo?" Wala naman kaming balak nakawin ang CD na hihiramin namin pero sinagot na lang namin ang mga tanong. Kumuha sya ng index card at inilista ang pangalan ko at presto member na ako. "Sige, pumili na kayo." "Wala po bang initiation?" hinatak na ko ng ate ko. Andami din namang mga pelikula doon. Ingles, tagalog, tag-lish, korean pati silent. May movies na parang di pa pinapalabas sa sinehan gaya ng Be Kind Rewind at merong hindi talaga ipapalabas sa sinehan gaya ng You Suck Mama Jones (na may sequel nang You Suck Mama Jones Again). Sa section kami ng tagalog movies pumunta. Kung meron lang siguro kaming Cinema One, malamang di na namin kelangang pumunta dito, pero wala kaya tyaga kami. Pinili namin ang pinaka-stand out sa lahat ng nandoon sa shelf na yon: Forbidden Kingdom. Huh?

-- Opo, pelikulang pilipino yan. I think na-naturalized si Jet Li recently lang, mga 3 a.m.

Minsan lang kasi yata magtatambal itong si Jacky Chan at Jet Li sa isang pelikula...maliban na lang kung gagawa sila ng asian version ng brokeback mountain na tatawaging brokeback greatwall. Sa pag-arkila din namin ng Rush Hour 3 (opo, ganyan kami ka-updated sa movie industry) di naman halatang avid fan din kami ni Jacky Chan. Matapos ang umaatikabong aksyong hatid ng Rush Hour ay umaatikabong boredom naman ang dinulot sa amin ng Forbidden Kingdom.

Ate: Nagsisisi ka na ba sa pinili mo?
Chilli: I want my ten pesos back.

Sinubukan naming patayin ang player pero tinatamad kami. Parang hinigop na ng palabas ang lakas namin. Wala kaming nagawa kundi magtyagang panoorin ang pelikulang parang reincarnation ng Karate Kid. Maganda naman ang mga fight scenes -- dahil sa part lang na yon ako gising. Nakakaaliw mag-away tong si Jacky at Jet na gumagamit pa ng iba-ibang techniques. Sana ako rin marunong sumipa ng malakas -- para sipain ko yung off button mula sa pagkakahiga ko. Naaliw naman ako sa ibang part, gaya nung meron na silang kasamang babae na si Sparrow na isang chikababes na kamukha rin ni...DIVERSION!!! Hanggang sa matapos ang pelikula wala man lang halikang nangyari sa pagitan ni Sparrow at nung Seeker. Ampft. Malamang inedit out kasi lame. lols. Isa pang naasar ako eh dahil walang subtitle na matino. Wala na nga akong naiintindihan sa sinasabi nila at times, tapos kapag sinubtitle ko pa eh parang lalo akong nalilito sa ingles. Dahil wala kaming maintindihan, nagkwentuhan na lang kami ng ate ko habang nanonood. Nagpapalitan ng kuro-kuro, mga criticism, mga "mas maganda siguro kung ganito yung nangyari.." statements, mga resentment kung bakit ba namin inarkila to eh Forbidden na nga. Sa sampung pisong yon nakabili na sana kami ng tig-isang Coke Sakto, na-high pa sana kami...♫ Leeeleeeepad na akooo ♪

Walang ibubungang maganda ang pirata. Alam ko marami ang magagalit sa ganung statement pero based on experience, mas natuwa pa sana ako kung meron na lang tumayu-tayo at dumaan-daan sa screen sa buong haba ng palabas -- gaya sa ibang piratang CD. Pero kung consolation man lamang na matatawag nalaman namin kung bakit sa lahat ng palabas ni Jet Li eh hindi sya tumatawa man lang. Napakaseryoso. Masyado nang madalas. Kahit naman siguro si Arnold Swatz...Schwarche...Schargen... Si Sylvester Stallone eh tumatawa sa eksena paminsan-minsan. Pero si Jet Li hinde, punahin na nyo. (di po ako nag "bad word" doon). Yun na lang siguro ang matuturing kong sulit, ang malaman ang rason kung bakit di sya tumatawa. Sagwa. -- uuiii...bababa na rin sya sa talipapa. hehehe.

22 komento:

r0fel say's ayon kay ...

welcome back!!!
akala ko wala kang masasabi eh... (utot)
muntik na nga eh... wahehehehe
sizzling hot pa rin ang pambansang ulam

pinanood ko din yang forbidden [pirated din], 30 mins pinilit kong kumbinsihin ang sarili ko sa na natutuwa ako sa palabas... kaso d kinaya nakatulog ako ^_^

-cheers!

http://bscstambayan.blogspot.com/

PoPoY ayon kay ...

san bang talipapa yan?? hehhe

oi napanuod mo na ba yung "ROMEO MUST DIE" ???

tumawa sya dun ha. hehehe

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Ako mas nabuwisit kasi pinanood ko talaga sa sinehan yan...naknantokwang 160 yata binayad ko. Masuog na sana tumbong ng scriptwriter na yan.

Abangan na lang natin ang Kung fu Hustle 2....sa mga dibididibi ulet op kors.

Buti tinopak ako ngayon at niresearch ko pa kung anung toyo ang bumuhos kay chilli at bakit siya nawala sa WP. Kundi di ko pa makikita tong new and improved Adobohan in blogspot.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

hmmm hindi ko yun napansin ah (yung hindi siya tumatawa) siguro dun sa bloopers nila may mga tawa si jet li...

uy..welcome back!!!
-
wei

sexymoi ayon kay ...

weh.. aliw naman. buti ka nga na lait mo na yung mga movies na yan eh hehe...

Lyzius ayon kay ...

ahahaha...buti naman hindi narinig nung nasa counter ang paghingi mo ng initiation..

welkam home...

chillidobo ayon kay ...

@ rofel

salamat sa apkikiramay -apir-

inadd ko na. steeg!

chillidobo ayon kay ...

@ popoy

iba yung ngiti sa tawa ah... lols

chillidobo ayon kay ...

@ ichi

abah mas matindi palang dusa ang inabot mo hehe.

welkam!

chillidobo ayon kay ...

@ gagitos

kapag dun ba naman eh di pa sila tumawa eh tatampalin ko na sya ng kaliwa-t-kanan. -apir-

welkam sa makabagong unyon ng makukulit na blogger! welkam gagitos!

chillidobo ayon kay ...

@ sexymoi

kapag nasaktan talaga ako pumuputak ako. lols. yaan mo dadating din ang pagkakataon makakalait ka rin ahehe -apir-

chillidobo ayon kay ...

@ lyzius

pag nagkataon baka di na ko nakapagsulat...pwede pa rin naman kaso baka pusod na lang ang gamit ko. (utot)

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

andito ka na pala. welkam back, chilli! ilalagay pa rin ba kita sa Ginoong Wordpress, ngayong andito ka na sa blogspot? ahahahaha.

keep blogging, chill! rock on!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

chili!! i missed you!!! ako din, nung pinanood ko yang forbidden na yan,wala pang ten minutes pinatay ko na kagad at dinelete sa computer.. dinownload ko lang kasi.. ang boring kasi!! tapos ang labo pa ng copy na nadownload ko kase nga bago pa lang tong pelikulang to.. haaaayss..

anyways, im so happy dahil ikaw ay nagbalik!!! :D

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

oi chilli! welcome back pre! hehehe.. dito ka lang pala naghahasik ng iyong mga makabuluhang kwento :D .. tama ka, di nga tumatawa yan si jet li, siguro pangit ipin nya :D si jackie chan naman, ang tanda na nya lolz

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

hi chilli..eto na makakapagcomment na ako..pero ala pa ako masabe eh..bsta welkam bak...maghagsik ka ulet ng kaanghangan..hehe

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

welcome back chilli, bakit sa blogspot ka na ngayon? mas okey ba kesa wordpress?

http://madbong.kotsengkuba.com

chillidobo ayon kay ...

@ iheartmamon

c jeckass to no ahahaha.. mon tostado! lol

pwedeng sa "special awards" categorie na lang ng ginoong wordpress ahaha

chillidobo ayon kay ...

@ linglingbells

isang pag-aaksaya ng broadband ang nangyari sa yo hahaha. anyway, nakakaloko naman talaga kasi, akala ko maganda eh.

salamat. welkam!

chillidobo ayon kay ...

@ lilmispasaway

yeap-yeap. naghanap ako ng ibang mundong magagambala hahaha -apir-

di bagay kay jet li ang tumatawa, oo antanda na nga ni jackie pero aktibo pa rin at maliksi. ano kayang iniinom nyang multivitamin? *utot*

chillidobo ayon kay ...

@ ellieshe

haha. tenkyu. welkam! isaboy na ang anghang! -apir-

chillidobo ayon kay ...

@ madbong

oo naman no. mas maganda dito...ahehehe (change of location, change of loyalty *utot*)

 
Free Wordpress Themes
Free Wordpress Themes