Lunes, Mayo 26, 2008

Mga Hayop ni Chillidobo


Nagpunta ako ng zoo kamakailan and if it's any consolation (naks!) nakahalik ako ng beybi... baby crocodile. Sa totoo lang tingin ko di na talaga sya bata kasi kaya nya nang mag-isang maglakad palibot ng zoo. Sa halagang sampung piso pwede mo nang i-lips to snout ang buwaya, steeg! Di ko alam kung anong nakain namin at naisipan naming pumunta sa zoo. Sinapian ba kami ng kaluluwa ni Steve Irwin? ni Kuya Kim? o masyado lang kaming napapatutok sa animal planet... engk! pano mangyayari yun wala naman kaming cable. (utot)

Siguro panahon lang na bumisita kami ulet doon. Napakatagal na simula nung huli kaming nabisita. Di nyo na itatanong, buhay pa yung Giraffe nung huli akong dumalaw doon at mamasyal. Ngayon cyborg na yung Giraffe doon, gawa na sya sa bakal, pwede na syang side-kick ni Iron Man.(utot) Kung susumahin pangalawang beses ko pa lang sa pagpunta sa Manila Zoo (hikbi). Di naman kasi ako nahilig sa mga ibang hayup maliban sa mga asong kalye at pusang bubong na napakarami sa lugar namin. Para sa akin lima lang ang nabubuhay na hayop sa mundo: aso, pusa, isda, daga at ibon. lahat yon nagka-alaga ako. One of each kind.

Yung aso ko di ko inabutang ganap na maging aso dahil tuta pa lang sya eh nawala na sya. Pero bago sya mawala natatandaan ko napakabait nyang tuta. Pwede syang i-canonize na saint. Tuwing umaga ginigising nya ako sa pamamagitan ng walang patumanggang pagkahol (alangan namang ngumiyaw sya o tumitwit --utot) sa tapat ng tenga ko at pagdila sa ilong ko. Mabait sya talaga, nanghuhuli sya ng gagamba at kumakain ng ipis kaya tuwing kasama ko sya pakiramdam ko eh safe na safe ako (utang na loob, five years old lang ako noon, lahat yata kinatatakutan ko). Nawala sya dahil sumama raw sa ati-atihan nung piyesta, malamang dahil nakawala sa tali. Mahirap tanggapin pero nilunok ko na lang ang katotohanan. Ang hula ko kasi eh ninakaw sya. Ebidensya ko ang napigtas na tali nya na naiwan pang nakabuhol sa may pintuan. Pero sabi nila makakatakas daw talaga yon sa ganung lagay. Sino ba naman kasing amo ang tatalian ang alaga nyang tuta ng yarn? (utot) Ano yon, notebook? Sayang talaga. Pinangalanan ko syang Rambo. nasan ka man rambo, ingat ka.

Sumunod kong inalagaan ay isda, syempre goldfish (ito na yata ang default na isda at madalas makita sa coloring book). Nagpabili pa ako ng fishbowl para lang sa kanya. Gusto ko talagang makalimutan si Rambo kaya kinarir ko...at dahil na rin ayaw ko na may dala-dala palaging isang plastik ng yelo na may lamang isda. Mas okay pala na mag-alaga ang isda kesa aso. Butil-butil lang kung kumain, hindi kailangang painumin, hindi maingay at ang pinakamaganda sa lahat madaling linisin pag umebs. Gahibla lang kasi yung ebs ng mga isda. Kung ang isda nyo eh sinlaki ng mr.donut twist kung umebs eh kontakin nyo na ang MIB dahil alien yan dude! Dahil sa katangian nyang yon madalas ko syang katabi sa pagtulog. Tutol man ang nanay kong mapagmahal dahil baka kung ano raw ang mangyari eh kinalamay ko ang loob nya ng words of comfort. "Nay, wag kayong mag-alala. Di pa ako tuli." Pag magkatabi kami, madalas akong magising sa madaling araw --hindi dahil marunong tumilaok ang isda ko kundi dahil sa natutumbang fishbowl. Bago pa man maisipan ni David Blaine ang kanyang frozen in time na trick eh naunahan na namin sya ng aking goldfish. Isang umaga matapos manood ng isang science fiction na palabas kung saan napreserve ang kontrabida sa yelo at nabuhay muli matapos ang ilandaang taon sinubukan ko kung malapit ito sa katotohanan. Nagtataka sila kung bakit biglang napunta sa ibabaw ng prigider ang fishbowl at kung bakit wala itong laman pero sinabi ko lang na pinasyal ko sandali. Nang malaman nilang nilagay ko sa loob ng freezer ang goldfish dali-dali nila itong ni-rescue sa aking malulupit na kamay. Muntik na akong di pakainin ng hapunan dahil don. Dahil sa sobra kong pagiging kampanteng amo sa kanya na walang inum-inum, walang himas-himas, walang pasyal-pasyal at walang ligu-ligo nakalimutan kong kelangan nya ng oxygen para mabuhay ng matagal. At dahil sa fishbowl lang sya nakatira, ilang linggo lang ay patagilid na syang lumalangoy...uhm...lumulutang. Paalam Goldie. (yes, yon ang pangalan nya.-- pinaghirapan.utot) Kung gaano sya kadaling buhayin ganun din sya kadaling iligpit, nilagay ko lang sya sa plato ng pusa namin bandang tanghali at wala na sya doon bandang hapon.

Dagang kosta ang sumunod kong inalagaan. Pansin ko lang parang nag-eevolve ako bilang amo ah? Contrary sa isda, nahihimas ko naman itong si Mickey (another one-of-a-kind name -utot) Kahit uso noon ang leptospirosis at rabies ay hindi ako natatakot dahil "Love casts out all fears." At feeling ko mahal ko na itong alaga kong ito. At katulong ko na ang nanay kong mapagmahal sa panahong ito. Wala man akong mabili sa kanyang lalagyan ay binigyan naman ako ng magandang suggestion ng aking nanay na mapagmahal: ilagay ko raw sa lata ng skyflakes. At doon nga sya namuhay ng payapa hanggang sa mamayapa.

Pusa naman ang sumunod kong biktima...este..alaga. Spot ang pangalan ng pusa ko dahil madalas syang spot-usin ng lola ko tuwing nagnanakaw sya ng ulam sa mesa. Masyadong pilyo si spot. maliban sa pagiging paperweight sa study table ko noon wala na syang ibang kayang gawin. Kuting pa lang si spot inalagaan ko na sya. Gusto ko syang maging sinlaki ng tigre balang araw para ipapagyabang ko sa mga kalaro ko at maging tagapagtanggol (Powtech naalala ko na naman si Rambo). Pero sadyang may animal nature si spot. Hindi ko alam kung saan nya namana yon. Nang matuto syang tumalon ng mataas nagagawa nya nang umeskapo papunta ng bubong at doon na sya makikipagharutan sa mga pusang bubong hanggang madaling-araw. Umuuwi lang sya kung kelan nya gusto (parang teenager lang diba?). Pag-uwi pa nya meron na syang may sugat at madumi na ang balahibo. Minsan may poknat pa. Hayop talaga. Kahit walang lahi, gusto ko naman na lumaki syang maganda kaya naisip kong kelangan na mapirme sya sa bahay. Kumuha ako ng tali at ginawan sya ng leash. Mahaba naman ang tali -- at hindi na yarn -- ganun pa man di sya aabot sa bubong, hanggang bintana lang. Gaya ng isang matalinong bata na magaling sa scientific notation, sinubukan ko kung aalis pa rin sya kahit na nakatali na. Nagtago ako sa likod ng pinto habang mag-isa syang naglalakad-lakad sa bahay. Maya-maya pumwesto na sya sa may bintana at nakatingin sa bubong...saka lumundag. Dahil bitin ang tali perstaym kong makakita ng pusang nagsuicide attempt. Nahatak ko naman sya agad. Takot na sya sa bintana simula noon.

Regalo sa akin ng kapitbahay namin ang isang ibong maya. Nahuli lang nila ng di sinasadya dahil lumipad ito papasok sa bahay. Dahil may kasabihang "ibon mang may layang lumipad, kulungin mo at umiiyak" ay di ko sya kinulong -- tinalian ko lang sa paa (at least wala pang kanta tungkol doon). Isang dulo ng tali ang nakabuhol sa paa ng dining table. Habang nandoon siya minabuti na nyang bigyan ng silbi ang sarili sa pamamagitan ng pagkain ng mga nalalaglag ng butil ng kanin. Para syang vacuum cleaner. Nakatali man sya mas maige na ang lagay nya dito sa bahay kesa kung nasa bubong lang sya, doon puro dahon, insekto at bigas lang ang mangangata nya, dito sinaing na kanin, may amo pa syang tulad ko. San pa sya diba? pero di pa rin naging swerte ang kapalaran nya. Sadyang di pwedeng magsama ang ibon at pusa sa iisang lugar. Pagkapasok na pagkapasok ni spot mula sa pinto (dahil nga takot na sya sa bintana) nakita nya ang maya at sinunggaban. Dead on the spot ang maya, di ko man lang sya napangalanan. Kainis na food web yan.

Nostalgic ang pagpunta sa zoo kahit wala namang pusang bubong, goldfish, dagang kosta at asong gala doon. Habang naglalakad-lakad ako nakita ko ang isang buwaya na palakad-lakad lang sa lupa, mga tatlong talampakan yung haba at may tali sa nguso. Magpa-picture daw ako kasama non, mura lang may kasama pang kiss. Dahil sabik din ako sa alagang hayop pinatulan ko na ang pagkakataon. Naglabas ako ng sampumpiso iniabot sa akin ang buwaya, isang kiss at click! MAY CROCS NA KO!!!

18 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

isakahayupang kuwento pala ang dadatnan ko ngyon..haha! kala ko may grand entrance..welcome back chilli!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

kuya kim, isdatchu? ahehe. matagal din pala akong di nakakapunta sa zoo. pero ok lang kasi may nakikita naman akong hayop pag nakatapat ako sa salamin. LOL. welkam back parekoy. sana ma-enjoy mo ang bago mong bahay.hehe.

Lyzius ayon kay ...

Yahooo! welcum back chilli!

namiss ko ang maanghang mong utot!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

yeheeeyy...!!!
balik na akyen peborit blag.
welcam bak chillidobo...!!!

PoPoY ayon kay ...

yehey. ang saya ng kwentong hayup mo chilidobo. welcome back pala hehehe :)

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

nagbalik ka na nga! hehehe! abangan ko pa ang mga susunod mong hayop na entry! :D welkam back! *wink*

Mariano ayon kay ...

Hindi ko na narating ang dati ninyong pook-sulatan kaya dito na lang ako tatambay.

Salamat sa kwentong kahayupan bossing. Sa tingin ko natulungan mo akong pumili ng nararapat na pet para sa akin.

chillidobo ayon kay ...

@ gasti

wala na kong naprepare hehehe, di bale kinaya mo na naman eh. salamat dude!

chillidobo ayon kay ...

@ tambayan...

ilong palang alam na alam nang hindi ako si kuya kim ahehehe. tenkyu!

chillidobo ayon kay ...

@ lyzius

salamat..ahehe, may flavor pala yun.
yaan mo, more to cum

chillidobo ayon kay ...

@ ahkong

salamat. welkam din!

chillidobo ayon kay ...

@ popoy

ahoy popoy! tenkyu.

chillidobo ayon kay ...

@ missymisyel

ako nga ito. look at my mole ahehehe.
tenkyu. welkam to may krib!

chillidobo ayon kay ...

@ mariano

at ano na nga ang iyong pet ngayon?

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

tumambay lang at nakikain.
pa-x-link pare. :D

www.stupidorkris.blogspot.com

thanks!

PoPoY ayon kay ...

oi chili lagay mo ko sa link

popoyinosentes.blogspot.com

tinks :)

chillidobo ayon kay ...

@ kurisujae

kain lang ng kain : )

inadd ko na. aus!

chillidobo ayon kay ...

@ popoy

aus na nakadikit na.

 
Free Wordpress Themes
Free Wordpress Themes