Miyerkules, Hunyo 11, 2008

Sporty si Chilli


Bano ako sa basketball. Isa yang confirmation na ang mga ulam ay hindi tinadhanang mag-excel sa sports. Imaginin nyo na lang kung hahamunin ka sa tabletennis ng isang sinigang o niyaya kang mag-track and field ng ginisang saluyot. Tatagal ka kaya? Ako hinde. Di talaga ako sporty at tanggap ko naman yon (hwaaaaaa *hikbi*). Although merong panahon sa buhay ko na sinubukan ko ring pasukin ang mundo ng palakasan, minsan sapilitan. Nung bata ako at buhay pa si Lolodobo ay madalas nya akong gisingin ng maaga upang mag-ehersisyo. Stretching.... Stretching.... Stretching pa ulet... hanggang may ibabanat pa sa muscles ni Lolodobo eh magbabanat sya. Ako masaya na akong samahan sya --- dala ko naman ang first aid kit na salompas, just in case. Matapos syang magstretching ay ako naman ang babanatin nya. Hahawakan nya yung kamay ko at mula sa likod eh isusuntok-suntok nya ang mga kamao ko na pakiramdam ko tuloy ako si Kermit the Frog. Parang eksena sa Hajime no Ipo. Pangarap nya raw na ako'y maging isang boksingero. HELLLOOO???? Anlabo na talaga ng mata ng lolo ko. Biruin mo na ang isang katulad ko na patpatin, kita ang ribcage at gawin mo lang kulay green ang balat eh Kermit the Frog na talaga ang dating eh kakitaan ng lolo ko ng Rolando Navarette material. (teka, sino nga ba yon? yun ba yung comedian? -utot) Nang lumaki-laki ako hindi na ako lalo nakumbinsi ni lolodobo na maging boxer -- dahil kinuha na sya ni lord. Ganun pa man alam kong hanggang sa huling sandali ay naniwala sya sa kung ano ang pwede akong maging.

Ang sumunod na pagsubok na dumating sa akin eh yung mga P.E. class... may sports pa rin kasi. Nung elementary pa ako, tuwing biyernes kelangan naka-P.E. uniform: t-shirt, garterized na short at rubber shoes. Masaya ang biyernes sa amin lalo na kung kabarkada mo yung may mga "magagandang" record sa guidance office. Pinauso namin ang flag ceremony. At hindi ito yung normal na flag ceremony. Tawag lang namin yon sa laro namin na hubaran ng short. Ansaya pala ng garterized na uniform. BWAHAHAHAHA!!! *kidlat* Minsan kasi may natityempuhan kaming klasmeyt na walang suot na brief kaya pag hinubuan, kita ang birdEEEEYYY !!! HAPPY BIRTHDEEEEEYYYY!!!! HAPPY BIRTHRDDEEEYYY TO YOUUUUU!!!!!♫ Pero ok lang yon wala naman kaming malisya pa noon (utot! --buti na lang di pa uso noon ang digicam). That time, wala namang sports talaga maliban sa papatakbuhin kami sa quadrangle ng mga ilang laps hanggang sa maubos ang inalmusal namin. Pero ang nakakatawa noon eh enjoy na enjoy kami sa pagtakbo. Mga inosente talaga kami. Wala namang exciting sa pagtakbo. -- liban na lang kung may humahabol sa yo na may dalang shotgun at sinisingil ka ng utang mo. Yun ang exciting! Kapag may Intramurals o sportsfest eh wala ako sa loob ng court. Makikita ako sa gilid ng committee's table, kasama si Comrade, nag-iiskor. WAMPOINT! Minsan sinubukan namin mag-sportscast ni Comrade. Hawak ang walkie-talkie nag-uulat kami ng mga kaganapan tungkol sa sports.

Chilli: So Comrade ano nang balita dyan sa dug out ng yellow team (kiiishhhkkk)
Comrade: (kiiiissshhhk) Well, kung mapapansin nyo kulang ang players ng yellow team sa loob ng hard court. Yun ay dahil sa nandito sa loob ng isang cubicle si Benedict at kasalukuyang nagt@T@3. Nat@3 yata sya dahil sa nerbyos nang malamang kakalabanin nya sa kabilang team ang syota ng pinopormahan nyang si Mean. Tama ba benedict?
Benedict: @#$@! Humanda kayo paglabas ko rito! (-to!- to!- to! ume-echoe pa)
Comrade: Back to you Chilli (kiiishhhkk)

Tuwing binabalikan namin ni Comrade ang sandaling yon hindi namin maiwasang mat@3 na din este mapangiti. Di ko alam kung may pag-asa pa akong mahilig sa sports in an engaging way hanggang sa mapabisita ang tito Toto ko isang summer vacation sa bahay. Dahil medyo mayaman nakumbida sya upang umisponsor ng isang team sa paliga ng baranggay nung summer na yon.

Toto: Isasama namin sa team si Chilli
Mamadobo: Naloloko ka na ba?

(ganun ako kakilala ng nanay ko)

Toto: Kayang-kaya nya yon.
Mamadobo: Wala ka na bang balak bumalik sa baranggay na 'to in the future? Baka wala ka nang mukhang iharap sa publiko
Toto: Walang hindi nadadaan sa ensayo.
Mamadobo: Bahala ka sa buhay mo
Toto: utot
Mamadobo: utot

Tuwing umaga ginigising ako ni Toto para mag-jogging. Naalala ko tuloy si Lolodobo (SLN). Minsan nadadala ko pa rin nga yung salompas by course of habit. Dinadala ako ni Toto sa isang bakanteng lote na may nakatenggang basketball ring. At dala-dala ang kanyang Spalding na rubber ball eh sinasanay nya akong mag-dribble at mag-shoot. Magaling mag-train si Toto. Siguro sports nya 'to dati.

Toto: Ang teknik sa mabilis na pagdribble ay ituring mong parang balot ng T@3 ng kalabaw ang bola at kailangan mo tong pagpagin.
Chilli: Di ba pwedeng kunwari pumapatay na lang ako ng langgam sa lupa?
Toto: Sino bang coach dito?

Madali ko namang natutunan ang pagdidribble. Lalo na nang sabihin ni Toto na pag di ko yon nakuha ay babalutan talaga nya ng T@3 ang bola para mainternalize ko daw ng maige. At although maraming beses napuntirya ng bola ang balls ko, nakuha po pa ring palusutin yon sa pagitan ng hita ko paminsan-minsan. Sumunod nyang itinuro ang pag-shoot ng bola sa ring. Very challenging yon dahil mabigat para sa aking patpating mga braso ang bola, madalas ko tuloy nahahalikan pa ang bola bago ko pa man ito maibato.

Toto: Buti pa para ganahan ka kunwari ako si Ronnie Nathanielz
Chilli: (-..-)
At nag-umpisa na ang frustration ni tito Toto

He charges, he shoots -- no good! Rebound by Chilli, Pump fakes, Fires! -- no good! Ball by Chilli, He puts up a "J" --- no good! Chilli on the rebound, He's going for a slam dunk, He flies, He dunks it! -- nothing but ne.... nothing!

Pagkatapos ng training na yon mangiyak-ngiyak si Toto -- sa kakatawa. Gets na ba yung point o kelangan ko pang ituloy? Natapos ang isang linggong palugit bago magsimula ang liga. Kinahapunan dumating si Toto galing ng Legarda, may dalang kahon na malaki. Nakuha na daw nya yung uniforms at kasama daw doon yung sa akin. Sinulat pa rin pala ako ni Toto sa roster ng players ng team nya kahit nagkaganon ang laro ko. Iniabot sa akin ni Toto ang isang set ng jersey sabay may titig na kakaiba sa mata nya. Naalala ko sa kanya si Lolodobo. Tuwang-tuwa at Bambi-eyed pa ako habang tinatanggal sa plastic ang jersey. Pansin kong mas makulay ito kaysa sa ibang uniforms doon. Espesyal talaga. "Isukat mo." sabi ni Toto. Agad akong pumanik sa kwarto para isukat ang aking uniporme. Sakto. Akin talaga ito. Umikot pa ako sa harap ng salamin para masdan ang aking kauna-unahang basketball jersey. Halos maluha ako. Sabi ko sa sarili ko, nasa lahi namin talaga ang maging mapagbigay ng pag-asa. Natigilan lang ako ng mabasa ko ang nakasulat sa likod... parang hindi ko yata apelyido? Binasa ko sa reflection sa salamin habang dahan-dahang iniispell: M - A - S - C - O - T. Mascot? Paglabas ko ng kwarto nagtatawanan sila at sinabi in unison, "Bagay na bagay sa yo!"


-- nasa lahi din pala namin ang pagiging mapang-asar. Ampft.

20 komento:

pEyt ayon kay ...

ahahah...

habang may buhay mag pag-asa...

pero mukang hnd ka nga para sa sports...
mas mag-eexcel ka as comedian...*palakpakan*
nakakaaliw...

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

hahaha. m-a-s-c-o-t pala. ganda ng sense of humor ng pamilya mo ha. i hate sports too. but i love watching it and cheering too! yun nga lang, hindi athlete ang katawan ko. lampayatot! hehe.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

hahaha!

"...nasa lahi namin talaga ang maging mapagbigay ng pag-asa."

aww... tas biglang nawasak at parang inapak-apakan ang natitirang pag-asa sa puso mo. hahha!

ayus lang yan, part of the team pa rin naman ang pagiging mascot. rawr! =P

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

kahit mascot, at least, nasa team ka pa rin.. hahahaha!!! iniimagine ko yung braso mo, sobrang payat siguro, malamang e mas payat pa sa mga braso ko kasi ako nakakapaglaro ako ng basketbol.. bakit di mo i-try ang chess?? sports pa rin naman yun ah.. :D

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

--

hakhak

wag kang mag-alala, ang mga elyen prens ko eh psasabugin na ang planeta nio kya di mu na kelangan magbasketbol

hakhak

elyens

XXXxx

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

mascot?
hahaha

di rin ako isporti
mas gugustuhin ko pa ang lumandi
kesa magpawis
hahaha

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Chilli, ang gwapo mo pala sa personal! Sana magkita tayo minsan

yan ginaya ko lang a! hehehe!

http://talambuhay.wordpress.com

name ng blog ko: mang badoy

napunding alitaptap... ayon kay ...

hihi. . .

humagikhik, at hanggang nayun, nakangiti.

ahahaha, an sarap pa rin basahin, natuwa ako talaga.

flyfly!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

--

ayheyt hisports

hakhak

elyens

XXXxx

Poli ayon kay ...

Ayos lang 'yan. Baka sa singing pwede! Hehe!

Medyo sporty ako pero sa mga racquet sports lang. Ayoko ring nag-eexercise.

chillidobo ayon kay ...

kay si ako

nang binasa ko ang comment mo nalito ako kung sino ka..kung ikaw ba si ako o si ikaw ikaw?

anyhoo, honga, malamang di ako para dun. Mag sumo wrestling kaya ako?

chillidobo ayon kay ...

kay antuken

abah, pareho pala tayo ng hilig: magcheer.

cheers!! huahehe

chillidobo ayon kay ...

kay tisay

parte pa rin naman maskipaps..

lumilitaw nga lang pag finals saka picture taking huahehehe

chillidobo ayon kay ...

kay linglingbells

meron naman akong muscle 'no... naiaangat ko pa naman yung kubyertos pag kumakain ako. lol

chillidobo ayon kay ...

kay rimewire

daan muna kayo sa bahay bago nyo pasabugin. papakainin ko kayo para magbago isip nyo...nakatikim na ba kayo ng kwekwek??

chillidobo ayon kay ...

kay xg

kakaibang trip yan ah ahaha

chillidobo ayon kay ...

kay mang badoy

sige add kita mang badoy
-apir-

chillidobo ayon kay ...

kay napunding alitaptap

bakit kelangan mo pang mag flyfly palayo???

chillidobo ayon kay ...

kay rimewire (ulet)

-apir-...pero konti lang

chillidobo ayon kay ...

kay poli

pang-upper body yang mga yan malamang. ako rin naman parang ganun lang ang gusto kong sports. yung mga raket.

 
Free Wordpress Themes
Free Wordpress Themes