Birthday ni Maria, dapat masaya pero hindi ako mapalagay. Nagtalo sa kukote ko ang kaisipang ito: reregaluhan ko ba sya o hinde? Kainis isipin yan. Pag hindi ko sya niregaluhan anong klaseng nilalang naman ako? Para akong isang walang kwentang tagahanga. Isang hangal! Isang... isang...well, you get the point. Wala naman sigurong masama sa pagreregalo. Normal lang naman yun -- para sa kanila. Sa akin its a big deal. Ako kasi yung tipo ng ulam na hindi mahilig magregalo (pero gustong nakakatanggap ng regalo *utot*) Hindi normal para sa akin ang magbigay ng gift, nagiging tuod ako. Kapag binigyan ko ng regalo ang isang chikababes na on-purpose ang ibig sabihin non napaka-special sa akin ng taong yon. Ang naiisip ko eh baka pag nagbigay ako ng regalo for the first time eh magkaroon ng malisya si Maria na baka may hidden agenda ako at KAPOW! Tapos na ang maliligayang araw ko. Malamang banatan nya ako ng katagang F.L.T.
Maria: Wow, for me? Aaahww. Ang ganda naman nito, mukhang special.... ngapala Chilli, Friends Lang Tayo ah.
Chilli: Sure :) No problem. (heto ang sibak pwede bang pakitapyas na lang tong balls ko?)
Yan na yata ang pinakamalupit na salita sa planet earth para sa isang lalaki. Bastedin mo na ko kung babastedin. Hinde kung Hinde. Huwag lang sabihing F.L.T. Tapakan mo na lang balls ko kung ganun, matutuwa pa ko... promiz.
Kaya hindi ko mafinalize kung magreregalo ako eh. Siguro pwede rin naman pero yung simple lang NaKs! Di pahalata. Sige, sige, magreregalo ako -- for the sake of art *utot*. Pero ano bang magandang iregalo? Ay teka, let me rephrase that: Pero ano bang magandang iregalo -na mura. Tight din kasi yung budget ko ngayon. Actually mas tight pa yung sweldo ko kesa sa budget ko. Kaya malamang simpleng regalo nga lang ang mabigay ko nito. Magpapasama sana ako sa ate ko pero may hang-over pa sya ng Forbidden Kingdom at ng tawa ni Jet Li eh hindi sya makausap ng matino. Solo na lang ako. Nag-isip muna ako sandali. Ano bang gusto kong ibigay? Gusto kong magbigay ng isang regalo na magagamit nya araw-araw (ilan lang yan) at na makikita kong ginagamit nya nga (so malamang di na kasali don ang tampons). Isa sa mga physical features ni Maria na maganda ay yung mahaba nyang itim na buhok. Regaluhan ko kaya sya ng pang-ahit? KAPOW!
Naglibut-libot na ko dala ang aking mala-hudasbarabashestas na coin purse na may lamang salaping ibibili ko ng kung ano mang mapusuan kong regalo. Napadpad ako sa isang lugar sa *TOOOOT* na may iba't-ibang for sale na pang-kikay sa buhok. It's a wanopakaynd experience. Ako lang yata yung lalaking nandoon sa loob at tumitingin ng mga items. Lahat silang nakatitig sa akin malamang iniisip na na bading ako. Huwag nila akong hamunin baka patunayan ko sa kanila HI-YAH! *Samurai* Nakakita ako ng isang mahabang tube na naglalaman ng iba-ibang kulay ng pang-pony tail. Steeeg! Buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng ganito (ayan, sinumpong na ako ng katangahan) Nang mahimasmasan na, pumunta ako sa counter. Ilang hakbang lang yung pwesto ko mula sa counter pero feeling ko yun na yata ang pinakamahaba kong paglalakbay (ever). Lahat ng nalalampasan kong tao para bang nakatitig sa kin at sa dala kong mahiwagang bagay. Para bang nagtatanong ang mga mata nila kung anong posibleng gawin ng isang lalaking maikli ang buhok sa isang set ng makukulay na pangponytail. At sa pamamagitan din ng mata ko sinasagot ko sila: pake nyo? lol
Chilli: Miss, magkano 'to? (nginunguso ang dalang tube)
Miss: Ah, dalawampung kabibe lang sir (actual price withheld)
Chilli: Ang mahal naman, pwede bang sampung kabibe na lang?
Miss: Sir, wala po kayo sa palengke para tumawad.
Matapos kong mabayaran ang binili ko, pakembot akong umalis. Nakauwi na ako sa bahay nang maalala kong wala akong biniling wrapper. Ampft. Pumunta ako sa isang bookstore para bumili ng wrapper. Nakakita ako ng isang magandang wrapper. matingkad ang kulay pero monotone lang. mahal pero kilala yung tatak. steeg. bumili ako para naman macompromise ang presyo ng aking regalo. Pinambalot ko pero nung matapos di naman kita yung tatak ng wrapper dahil nasa gilid at dahil monotone lang mukhang binalot ko lang ng art paper yung gift ko. Ampft. Di pa naman ako marunong mag-gift wrap. Umpisa na ng pagiging tuod.
Di na nga kagandahan ang balot kaya kelangan daanin sa delivery o pag-abot ng regalo ang laban. Ano bang magandang sabihin? Nag-rehearse ako sa salamin.
Take One.
"Maria, birthday mo na pala no? Etong regalo ko, pagpasensyahan mo na tong nakayanan ko ah. Alam ko naman maraming mas magandang regalo kang matatanggap kesa dyan.*hikbi* kung di mo nagustuhan pwede mo naman ibalik sa kin at kukuha ako ng refund, promise. "
Take Two.
"Maria, alam mo bang pinag-ipunan ko ang pinambili ko ng regalo sa yo? (simula kahapon). Heto, itago mo ah. Maganda yan. Special yan. Ako lang ang nakaisip magregalo sa yo ng ganyan (--ka-cheap na bagay)"
Take Three.
"Maria, ang isang napakagandang dalagang tulad mo ay karapat-dapat lamang na bigyan ng kaukulang handog. Tanggapin mo itong regalo ko. I hope you like it. If not, here's a lighter lets burn it together."
Nang handa na ang lahat, nagtext ako.
"Maria, GudpmÜ Happy Birthday! My gift aku seo. Bgay ko n lng pg mgmit tyo. k?"
Maiksi lang yan pero inabot ako ng isang oras sa pag-eedit bago ko isend. Natanggap kaya nya? Nasend ko ba sa tamang numero? Nagcheck balance ako, nabawasan naman ng piso, so it means na send ko nga. Ano kayang reaksyon nya? Sasagot kaya sya? Nabasa na kaya nya? Bakit para akong mae-ebs?
Sumagot naman siya, na syang ikinatuwa ko.
"K"
Sumapit ang araw na magkikita kami. Dala ko ang regalo kong mukhang giant pulborong di maintindihan. Naupo ako sa isang bench kung saan kami magkikita. Maraming tao. Tinago ko muna sa bag ko yung regalo dahil baka pagkamalang bomba. Excited na kong ibigay sa kanya to at matesting nya sa harap ko. Maaga pa naman kaya naglabas muna ako ng crossword puzzle para may mapaglibangan. Binili ko sa bookstore, 100 puzzles. Nakakasolve na ako ng dalawa wala pa rin si Maria. Nagtext ako "San ka na?" Sumagot sya "Male-late ako ng konti. Xenxa na". Napangiti ako. Ang kyut mo talaga Maria pag nag-eexcuse ka.(Babala: nakakahibang nag crossword) Matapos ang tatlo pang puzzle may naaninagan na akong paparating. Familiar na mukha pero parang may kakaiba. Binati nya ako kahit mga ilang metro pa ang layo nya "Chilli!" Sabay kaway at patakbong lumapit sa kin. Napatayo ako. "Maria!", binati ko sya. "-nag..-nagpagupit ka???" At minodel-model pa sa akin ang kanyang bagong short hair na kulang na lang eh sabihin nya ang salitang "Pantene". "Oo, kanina lang. Kaya ako na-late, pasensya na ah. Ok lang ba?"
.....
...
..
.
"Ok lang."
(heto ang palakol, pakitapyas na nga ang balls ko please.)
Lunes, Hunyo 2, 2008
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
14 (na) komento:
akalain mong nagpagupit pla si Maria? lols! ano kamukha na ba ni gretchen barreto? ano kaya reaksyon nya pag nalamang pang-pony ang gift mo :D
pareho tayo ng pakiramdam pag nasa pang girls na bilihan..parang lahat ng mata nakatutok sa bawat kilos mo..naalala ko tuloy dati nung pinabili ako ng panty..haha!
hehehe ang malas mo naman chili.
sayang yung effort.
for sure tagpas ka na ngayon no? hahha
nice entri again hehehe
At least di ka pa naman tinatawag ng the most romance-killing word in the Philippines, ang "K". ("Kuya")
Unless na lamang kung maid mo.
Ano reaction nung binigay mo chilli? Naalala ko tuloy yun "The Gift of the Magi" ni O. Henry (akalain mo nagbabasa?). Kakkakilig na rin di ba? Yun e kung alam din nya yung istorya.
Itext mo na lang na nagbenta ka pa talaga ng laman (inadobo siyempre) sa QC para mabili mo ang gift.
Ayos ang post talaga pag Maria subject!!
@ gasti
actually hanggang ngayon nasa commatose pa rin sya (utot)
awkward talaga ano? ganun din kaya feeling ng chikababes pag bumibili ng panlalaking gamit?
Miss: MAnong, magkano dito sa pilikmata ng kambing?
ampft.
@ popoy
bat naman kasi ngayon pa naisipan eh. WAAAAH!
@ ich
actually nangyari na yan hahaha. pero di tayo susuko! Adobo yata ito!
Oo, tawag sa akin that time: hot meat. (utot)
gagaya ako kay ich... ganyan nga rin kse ang story di ba?
sayang naman ang gift mo, pero eto yun, pag pinahaba nya ulet ang hair nya, ang ibig sabihin lang nun she did that to show you that she appreciates your gift.
missed your blog. welcome back! (will update your link)
ang galing ng story mo, napahagalpak ako sa tawa hehehe! kung siswertihin ka talaga ano? pero siguro naman na-appreciate ni Maria gift mo. teka, binigay mo nga ba?
hahah! ang sweet mo naman. effort kung effort. di bale hahaba pa naman ang buhok ni Maria. hehehe!
xlinks tayo ah.
http://thought-pollution.blogspot.com
@ antuken
tinawag ka ring KUYA? (utot)
oo nga, sana pag nagkita kami mahaba na ulet hehehe. tenkyu! welkam!
@ missymisyel
binigay ko naman. ang di ko pa alam eh kung anong reaksyon nya nung makita nya (sinunog na nya kaya? utot)
@ tisay
YAN ang ADOBO! *palakpakan*
hehehe. sure. inadd ko na. tenkyu!
next bday nya, magregalo ka ng singsing. di naman pinapaputol yung daliri di ba? hehe
nga pala, to talaga ang comment ko:
Jeck:
Chilli, ang gwapo mo pala sa personal! Sana magkita tayo minsan
httP://iheartmamon.wordpress.com/
@ jeckass
magandang ideya yan ahehe...sana lang pwede na by then
Mag-post ng isang Komento