Martes, Hunyo 10, 2008
Independence Day
♫ Alaalang Nagbabaleeeeeek ♫
Wow heavy parang lyrics ng kantang pang-punebre yan ah. Anyway ganun naman talaga ang naramdaman ko nang biglang magparamdam muli itong si Fallen. Natandaan ko pa yung post ko na yun sa wordpress ang huling sinulat ko dun eh "...I would always be here to catch you when you fall." At totoo yon literally and figuratively speaking. Natapos ang lahat nang bigla nya akong abisuhan na meron na syang boylet. Sabi ko kasi hahanapan ko sya, maglagay sya ng deadline at sakaling wala akong makita by that time eh sabi ko kung pwedeng kami na lang (noel cabangon: ♪para-para-aaan♫). Pero hayun bigla akong napakanta ng BEER ng itchyworms dahil sa revelation nyang yon. Ganunpaman, ang mga katulad kong adobo eh sadyang mapusok kaya nagtetext pa rin ako sa kanya para may communication pa rin as friends man lang (noel cabangon:♫para-para-aaan♪) Pero na-shock ako one day nang eto ang naging conversation:
Chilli: Hi!
Fallen: Hi!
after 30 mins...
Chilli: San ka ngaun?
Fallen: Eto kasama boylet ko.
Chilli: Ah, ang sweet naman...
after 20 mins...
Chilli: Hi!
Fallen: ?
Chilli: Cge n nga bka naka2istorbo lng ako s nyo
Fallen: Oo
Wasak ako non. Feeling ko may pison na nag-aatras-abante sa balls ko. Nakaregister pa naman ako sa unlimited texting non. Ampft. Ang saklap talaga minsan ng tadhana. Bakit ba ako ganun? Bakit hindi ako makuntento na meron na syang boylet, na may karamay na sya sa hirap at ginhawa, na may kasama na sya sa malalamig na gabi at malambot na kama, na may nagbabantay na sa kanya tuwing syay gumi-gidiyappadingdong sa mga pay toilet. Bakit? Dahil ba sa kamukha nya si Beth Tamayo at Katrina Halili combined? ---- uhm...oo yun na yun siguro. I rest my case.
Isang umaga naisipan kong mag-iba na ng aking email para lang di ko sya nakikitang nagsa-sign-in at sign-out sa messenger ko. Naisakatuparan ko naman. Feeling ko payapa na ako. Tamang-tama, ngayong hunyo ay buwan ng independence day, malaya na ako.-- o yun lang ang akala ko. Nag-buzz sa akin isang araw ang isang taong may pamilyar na pangalan.
Fallen: Hi!
Sumagot ako
Chilli: Sinong Fallen to?
Fallen: 6@60 ako to!
Chilli: Ahh!! (sa isip ko di ko pa rin matiyak kung sya nga yon. Ganyan ako makalimot. Daig pa nakahitit ng katol)
Fallen: Musta k naman?
Chilli: E2 buhay adobo (--ay masayang tunay, masayang tunay, masayang tunay!♫), ikaw?
Fallen: Medyo tumaba ng konti.
Chilli: nakakataba naman talaga kasi ang s@xercise.
Fallen: lol
Chilli: Pinapanay kasi.
Fallen: Wala akong masasabi dyan.
Chilli: So kamusta na kayo?
Fallen: Eto iniwan na nya ako. KVP@L na yon.
Sa isip ko sinabi ko: i second the motion. Tinuloy nya...
Fallen:..pasensya na sa mga sinabi sa yo nun ah. KVP@L talaga yon.
Sa isip ko: ok lang yon pinatawad ko na sya. Tinuloy pa nya...
Fallen:...lam mo ba tinanggal ka nga nun sa phonebook ko saka dinelete ka sa friendster ko.
Sa isip ko: What Would Jesus Do. (kung ako gagawin ko syang lumpo at babalutin ko ng ketong sabay papasapian ko sa pitong demonyo)
Matapos syang maglitanya, nagreply ako. Napaka-profound na kataga kong binitiwan
Chilli: Ganyan talaga buhay.
Fallen: Honga
Chilli: Naalala mo ba yung pinag-usapan natin dati?
Fallen: Uu.
...mukhang naalala naman nya...
Fallen: Hindi ba joke yon?
Chilli: Joke na ngayon.
Hindi ako dumidila sa ice cream na dinilaan na ng iba. Period. Woooohooo!! *palakpakan*
MABUHAY ANG PILIPINAS!!!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
14 (na) komento:
yeheey! ang pagbabalik ni fallen...finally my heart gave in and I'm fallen out of love..ahihi! mabuhay ang pilipinas! gets ko na ngyon kung bakit yan ang pinost mong pic..haha! may tama ka pards!
madami namang babae dyan..mukha namang di mo sya ganun kagusto. baka nabulag ka lang sa kaseksihan nya.
Fallen??? cia ba ung biglaang nagpony tail dati???
Hindi ako dumidila sa ice cream na dinilaan na ng iba. Period.
-apir tau jan ^__^
naks.
man power man power.
tama ang dinilaan ni pedro wag ng dilaan ni juan
madami pa jang gerli marami pa jang ndilaan na hahaha. piz..
ndi sabi nga dont rush things...
maghintay pa hanggat kayang maghintay. dating din yan
:)
offtopic ba ang comment ko? hahha
ahahaha..ayus yung di ako dumidila sa ice cream na dinilaan na ng iba...
ahahaha... ayus yun, ang buto raw na tinangay ng aso imposibleng hindi nadilaan... me konek ba?
p*t#n*in@! wasak na wasak. eto na ang pinakapaborito kong quote - "Hindi ako dumidila sa ice cream na dinilaan na ng iba."
hahahahaha! MABUHAY ANG PILIPINAS! MABUHAY ANG LAHING ADOBO! bwahahaha!
medyo nag-iba na ang talas ng pananalita ni chilli dito sa blogspot ah. eniwey, natutuwa talaga ako sa mga posts dati pa naman. more power, power rendyer!
@ gasti
madalas akong napupuwing parekoy pero buti nagagawa ko pang magtanggal ng muta ahehehe
mabuhay ang kalayaan!
@ rofel
oo sya nga.
-apir-
@ popoy
marami pa talagang iba dyan, meron pa nga akong kilalang kumakain ng sapal eh (eww) pero naniniwala ako may flavor din na isang tao lang ang nakatadhanang tumikim. NaKs! -apir-
@ lyzius
eto ako ------>
eto ka <-------
hayan kumonek na ---><---
lol
@ iheartmamon
go! go! maytimorping power rendyer!
"Hindi ako dumidila sa ice cream na dinilaan na ng iba."
-pang best actor eto..ahaha..nafall out of love k n pla kay fallen..ayuz na yun...dame pa jan? ahehe
hmmmmmmm. . . sigurado ka na po dyan?
hehe, sana masaya ka, yun lan po.
flyfly!!
yihee.... da best " Hindi ako dumidila sa ice cream na dinilaan na ng iba. Period. "
Hindi ako dumidila sa ice cream na dinilaan na ng iba. Period. Woooohooo!! *palakpakan*
>>>*palakpakan*
*palakpakan ulit*
ganyan tlg ang buhay...
Mag-post ng isang Komento