Huwebes, Hunyo 5, 2008

Swimming Fool

"Halika na, mababaw lang naman dito!"
"Bakit mo ba ako pinipilit? Gusto mo bang mawalan ka ng kaibigan? Mamamatay ako pag lumusong ako dyan."
"Kill joy"
(utot)

Yan kami ni Comrade habang nagtatalo sa gilid ng pool sa isang resort sa Rizal. Mukha kasing malabo na matuloy ang outing namin sa opisina kaya sa iba na lang ako bumawi ng outing. Haay. Akala ko pa naman PALAWAN. Yun PALA WAla Na. Balak pa nga sa Oceanarium na lang (utot) Ok lang, basta may mga sirena din akong makikitang lumalangoy over my head eh. Question: Totoo bang blurred ang dibdib nila? Ganun ba talaga yon? Eh bat sa TV?

Takot akong lumangoy. Hydrophobic ako pero di naman ako takot maligo at uminom ng tubig. Dati kasi noong little adobo pa ako: payat, maliit, supot and everything eh may traumatic experience ako sa swimming pool. Nakatambay ako noon sa gilid lang pool tapos...tapos...Nakakita ako ng lolang umaahon mula sa pool na naka-two piece AAAAAAAHHHH!!!!! Horibol! Basta nahulog ako sa pool at dahil patpatin ako eh para akong karayom na bumulusok pailalim. Natatandaan ko na lang ngayon eh nakakita ako ng maraming maraming puting tiles. Tapos nagpass-out ako. Pag gising ko andami nang taong nakatingin sa kin...pati yung lola. Simula noon di na ako tumutuntong ng swimming pool. Kung lulusong man ako eh nakakapit ako sa gilid ng pool (talangka style) at pagilid kong iikutin ang pool side. Di nila ako madala-dala sa gitna ng pool. Buti naman. Kahit pa may water games gaya ng longest breath, hanapan ng piso o kahit ipasan pa ako sa balikat ng chikababes para makipag-wrestling eh di ako sumasali. Commentator na lang ako pwede ba? May mga pagkakataon namang sinusumpong ako ng katapangan at lumulusong ako sa pool...pero doon lang ako sa may hagdan (utot) Di nga nababasa yung buhok ko eh, ang galeng no? Wala akong magawa. Para bang isinumpa na ako na BANNED ako sa kaharian ng karagatan. EH paano kung maging sirena si Maria tapos kelangan namin manirahan sa ilalim ng dagat? Ngai. Ngapala, magaling naman lumangoy si Maria eh so may magliligtas naman sa akin siguro sakaling malunod ako sa pool...mouth to mouth agad ah. Yon eh in case mangyari sya pero hanggang sa ngayon eh sa gilid lang ako ng pool.

Comrade: Chilli, kelangan harapin mo ang takot mo. Face Your Fears.
Chilli: Abah, kelan mo pa namemorize yan?
Comrade: Ang alin?
Chilli: Ampft. Ayaw ko nga eh, baka malunod ako.
Comrade: Chilli, maliliit pa lang tayo, di pa tayo tuli magkaibigan na tayo. Hanggang ngayon na tuli ka na kaibigan mo pa rin ako. Alam mo ba ibig sabihin non? Wala akong di gagawin para sa yo dude. Lahat gagawin ko para maging masaya ka.
Chilli: Talaga?
Comrade: Oo, peksman. Ano bang pangarap mo sa buhay, tutuparin ko dude.
Chilli: Baka di mo kayanin
Comrade: Walang impossible dude. Sige na, ano nga?
...
(bumulong ako)
...
Comrade: Sus! yun lang pala eh. Sige dude. Tara. Magdala ka ng camera.

Hanggang ngayon nakangiti pa rin ako. Salamat Comrade. Tinupad mo ang pangarap ko. Dakila ka.

Naintriga ka no? Sige na nga eto ang link :

Tungahayan ang madamdamin at momentous na sandali sa buhay ni Chilli
(as narrated by Ginang Wish ko Lang herself

20 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

ahahah...lakas trip,.mabait na kaibigan...tunay na maaasahan...
welcome back chilli...
at welcome back din sa istorya niyo ni maria...

>tungkol nmn sa "swimming fool", ako din hanggang sa gilid lng...

welcome
welcome
welcome back chilli!!!

>faith (yan nagpakilala ako ha)=p

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

ay lekat. di ko ma-open dito sa office ang link. blocked. hehe.

eto nga pala ang talagang comment ko:

chilli, ang gwapo mo pala sa personal? (utot, hahaha --- mind you, kwestyon mark yan talaga) sana magkita tayo minsan. ;D

majorsleepyhead.wordpress.com

ponCHONG ayon kay ...

buti nasa tamang ayos pa din ang comrade mo. kung ako siguro baka 160/150 na ang BP ko sa takot.

meron akong boardmate dati na medyo sa bulubundukin nakatira. since ilog lang ang alam na body of water minsan sinama namin sa amin at naligo kami sa dagat. gulat talaga sya sabay sabing "grabe! ang lawak ng ilog ninyo!" naman!

http://nonsenseidiot.blogspot.com

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

akala ko dolphin, e syokoy yun a (peace comrade juks lang)

PoPoY ayon kay ...

npakadakila nga at napakagait ng iyong kaibigan chili. hahhaha.

dolphin dolphin.

ano yung pinapakain mo? babasaging plato???

chillidobo ayon kay ...

@ ayaw magpakilalang si faith

ahehehe. dapat sa mga tulad natin eh bumuo ng isang unyon hahaha. pero wag tayong magsasama-sama sa bangka baka pag naship wreck eh walang survivors hehehe -apir-

tenkyu! welkam

chillidobo ayon kay ...

@ antuken

parang nagdududa ka ah hahaha.(utot)

chillidobo ayon kay ...

@ponchong

sana binanatan mo ng "first time mo?" hehehe (utot)

chillidobo ayon kay ...

@ madbong

Chilli: hahaha
Comrade: *batok*
Chilli: :[

chillidobo ayon kay ...

@ popoy

pangtraining yan ng mga dolphin..oo babasaging plato hahaha

Lyzius ayon kay ...

bakit wala pa ako sa link list mo? huhuhuhu

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

pareho tayo chili, di rin ako masyadong nag-eenjoy pag may mga swimming kasi takot din ako sa tubig.. pero mas advanced naman ako sayo.. kaya ko namang pumunta dun sa may 4 ft.. pero pag hinihila na ko papuntang 5 ft, umiiyak na ko..wahahaha!

ang baet namang kaibigan ni comrade! da best ah!

http://linglingbells.wordpress.com

chillidobo ayon kay ...

@ lyzius

ay oo nga ano... bat blogspot *wapak!*

ayan, nilagay na nila. woohooo!!

chillidobo ayon kay ...

@ linglingbells

congrats! pwede ka nang maging dyesebel ahehehe

sexymoi ayon kay ...

weh... fwens foweveh... hehe
.
.
.
.
add kita blog roll ko ha :)

thanks!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

hahahah kawawang comrade :D mag-aral ka kaya magswimming chilli, pano na lang kung si maria ang malunod, sino magliligtas? :P

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

sabi mo takot kang lumangoy, ibig sabihin nun marunong ka. so hindi pa hopeless yung case mo. conquer your fear. masarap mabuhay na walang masyadong kinakatakutan. mas mag-e-enjoy ka pa lalo na every summer. try mo kaya kumuha ng swimming lessons? good luck po! pa-xlinks naman. tenks!

chillidobo ayon kay ...

@ sexymoi

sureness! tenkyu

chillidobo ayon kay ...

@ lilmispasaway

ako mag-aaral magswimming??
si maria malulunod??

" i don't feel...any pressure... right now..." lol

chillidobo ayon kay ...

@ y

napakaikling pangalan... may lahi ka sigurong chinese. hehehe. ganun ba logic nun? pag summer gagawa na lang ako ng sand castles hehehe

 
Free Wordpress Themes
Free Wordpress Themes